Monday, April 04, 2011

Today, I went out with strangers.

Pumunta ako sa Jollibee Centro kanina para tumambay. Wala lang akong mapuntahan habang naghihintay kina Mama na makarating ng SM. Walang bakanteng upuan sa baba kaya nagdesisyon akong tumunga sa ikalawang palapag. Umakyat ako ng hagdan. Aba! Marami yatang gutom. Wala ring bakante roon maliban sa bahagi na pinagdarausan ng mga pagdiriwang. May nakasabay ako na naghahanap din ng mauupuan. Tinanong niya ang isang manggagawa roon kung maaari bang pabuksan ang bahaging nakasara sa ikalawang palapag ('yong pinagdarausan nga ng mga okasyon). Hindi sumagot si kuya pero agad niyang binuksan ang pinto. Siguro'y iyon ang paraan ni kuya para umoo.Dumirediretso kaming mga naghahanap ng upuan. Sabay sabay kaming napasabi, "Ang init!" Mainit kasi talaga roon. Tumungo ako sa upuan malapit sa salamin na kung saan makikita ang kalsada. Wala lang, maganda lang ang view. Nabigla ako. Doon din umupo ang mga nakasabay ko. Isa isa silang nagsalita. Minsan, sabay sabay pa. Nagpicture picture pa sila. Aba! Ang saya naman. Iba't ibang karakter ang aking napansin.

MAGKAPATID NA NAGPAPAYABANGAN. Itago natin sila sa pangalang Phoebe at Hazel. Ang sabi nitong si Hazel, sinabi raw ng kanilang amaamahan na siya ang pinaka-cute sa mga anak-anakan nito. Agad namang sumagot si Phoebe, "Ikaw na!" =))

ANG GWUMAPO. Napag usapan nila ang isang larawan na kuha raw noong unang araw ng Abril. Sabi ng mga kababaihan, ang gwapo daw nang isang lalaki, pangalanan natin siyang Tj. Itong si Tj ay kasama rin pala nila sa mesa. Nang marinig iyon, agad siyang napatingin sa mga nag uusap. Napansin naman ito ng mga nag uusap na pinangalanan kong Nikki, Hazel, Yen at Phoebe. Agad nilang pinilit si Tj na tanggalin ang salamin nito at agad namang sumunod si Tj. Sunud-sunod ang mga pagpupuri ng mga kababaihan, Tinutukso naman ng iba na namumula daw si Tj. (Sa palagay ko'y tama sila).

ANG NA-INLAB. Siya si Nikki. Isa siya sa mga kababaihang nag uusap usap tungkol sa gwumapo na si Tj. Sinabi niya kay Tj, "Wag ka nang magsalamin, magcontacts ka na lang."

ANG KOMEDYANTE. Si Hazel. Ang linya: "Oo, tidge, mag CONTACT ka na lang." Sabay kanta ng song na sabi nila ay iniba raw ang version. =))

ANG GUMANDA. Aba, kung may gwumapo, syempre hindi magpapatalo ang mga babae. Itago natin siya sa pangalang Lily. Napakaganda ng buhok. Bagong rebond at bagong trim. Iba na talaga kapag in love. :))

Mayroon ding mga karakter na hindi nagkaroon ng major roles. Isa na dito si Ms. A, pangalanan natin siyang Cecille, si Ms. NakipagbreakMU, Jaselle, at Si Mr. JuneComeNow, Lester.

Nakakatuwa silang panoorin. HAHA. - Ang Documenter :))

Hindi naman talaga sila estranghero, na-miss ko lang talaga sila. Kanina ko na naman lang sila nakasama after two weeks eh. :">

HAHAHA.

No comments:

Post a Comment